MARAMI ang nagulat sa sexy pictures niya na naka-two-piece na pinost ni Barbie Forteza sa social media.
Although nakatalikod at nakatagilid lang ang sexy pictures na pinost niya, maraming fas ang nagtatanungan kung ‘yung frontal pictures ba ay sa isang men’s magazine nila makikita?
Ready na ba si Barbie na mag-post sa isang men’s magazine katulad ng FHM?
Nakatsikahan namin si Mommy Forteza, nanay ni Barbie tungkol doon at a big NO ang sagot niya!
“Ako po ‘yung tipong hindi nagsasalita ng patapos, pero pagdating po sa pagpo-posing sa men’s magazine, ngayon lang po ako magsasalita nang patapos, hinding-hindi po!
“’Yung tungkol sa sexy pictures niya na nakatalikod at nakatagilid na ipinost ni Barbie, nakatuwaan lang po niya ‘yon. Kuha po niya ang mga ‘yon nang mag-outing kami sa isang resort sa Anilao, Batangas.
“May mga kuha rin po siya na nakaharap, pero hindi po niya ipo-post. Personal lang po ang mga ‘yon,” sabi pa ni Mommy Amy na nilinaw na hindi pa magpapa-sexy ang kanyang anak.
***

Nawala ang jet lag namin kahapon habang katsikahan namin si Manay Lolit Solis.
Birada ni Manay Lolit, “Hindi na talaga ako magtataka kung mawala ako as manager of Benjie Paras! Paano ba naman, hiyang-hiya talaga ako nang dumalaw ako sa bahay nila.
“Magkapitbahay kasi sila ni Shalani (Soledad-Romulo) sa Valle Verde. Eh, may dadalhin ako kay Shalani, kaya tinawagan ko si Benjie para makadalaw na rin ako sa kanila.
“Pagdating ko kina Benjie, nakita ko kaagad si Lyxen. May karga-kargang baby ang misis ni Benjie.
“Cute ang baby, kaya sabi ko talaga, ‘Ang cute naman, kaninong baby ‘yan?’
“Ang sagot sa akin ni Lyxen, anak nila ni Benjie. Hiyang-hiya ako.
“Nagbuntis at nakapanganak pala ang misis ni Benjie, ni hindi ko alam. Clueless ako.
“Ang tagal na pala naming hindi nagkita, naturingang manager pa naman ako. Hiyang-hiya talaga ako.
“Buti nga, hindi ko tinanong kong ampon nila dahil mas nakakahiya sana ang labas ko.
“Kagagahan ko talaga. Hahaha!
“Nagpalusot na lang ako. Sabi ko, masyado kasi akong engrossed sa Descendants of the Sun (Koreanovela na ipinalalabas sa GMA 7), kaya hindi ko tuloy nalaman na nagbuntis at nanganak si Lyxen.
“Pero ang totoo, hiyang-hiya ako.
“Ni hindi ko na-congratulate ang mag-asawa nang makapanganak si Lyxen, kaya si Gorgy (Rula) talaga ang sinisi ko dahil hindi man lang naikuwento sa akin na nagbuntis at nanganak ang misis ni Benjie, pero hindi rin daw niya alam,” dagdag kuwento ni Manay Lolit.
***
Nagkasama noong araw sa S.O.P. ng GMA 7 sina Vina Morales at Ogie Alcasid.
Kahit lumipat na sa ABS-CBN si Vina at napunta sa TV5 si Ogie (at ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung lilipat na ba ito sa ibang TV network), hindi pala nawala ang closeness ng dalawa.
Sa mga importanteng events ng mga buhay nila, hindi nakakalimutang bumati sa isa’t isa nina Vina at Ogie.
At dahil 30th anniversary na ni Vina sa showbiz, siya mismo ang lumapit kay Ogie para maging isa sa mga guest sa kanyang concert na Vina@30 sa KIA Theater sa Oktubre 14.
Mismong si Leo Dominguez ang nagkuwento sa amin na nilapitan ni Vina si Ogie at very proud ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid dahil hindi siya nakalimutan ni Vina sa importanteng event sa career ng singer/actress.
At mismong si Regine ay ipino-promote sa kanyang social media accounts ang anniversary concert ni Vina!