PABORITO ni Barbie Forteza ang ‘Star Buzz’ segment ng Sunday PINASaya dahil dito siya nabigyan ng chance na ipakitang kaya niya ring mag-impersonate, hindi lang basta magpatawa.
Mula nang gawin niya ang karakter niyang si Kissy Anino ay hindi na Barbie ang tawag sa kanya ng mga tao kundi Kissy na.
Usap-usapang malaki ang chance na mag-guest sa SPS ang ginagaya ni Barbie na si Kris Aquino, na balitang mina-manage na ni Mr. Tony Tuviera ng APT.
Sakaling matuloy nga ‘yon, paano iha-handle ni Barbie ang paghaharap nila ni Kris?
“Well, sana ma-handle niya ako, kasi ige-guest ko siya sa ‘Star Buzz’ pero hindi siya puwedeng mag-speak. Kasi, ako ‘yung host doon.
“Charing! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Barbie na biglang nag-shift sa kanyang Kissy mode.
“Hindi, siyempre sobrang excited ako kasi, Queen of All Media ‘yon, ‘di ba? So, isang malaking karangalan na i-impersonate ko siya. Tapos, at the same time, makakasama na rin namin siya sa iisang network.”
Ah, makakasama na ba nila si Kris? Sure na ba?
“Ahh, wala akong sinabi! Ha! Ha! Ha!” natatawang bawi ng Kapuso young actress.
Ano kayang una niyang sasabihin kay Kris?
“Nakakalokah! Love love love po tayo! Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko alam. Baka ma-starstruck ako, eh! Ha! Ha! Ha!”
Sa tingin niya, matutuwa naman sa kanya si Kris?
“Well, ahmm… susuyuin ko po siguro siya para matuwa siya sa akin.”
Kuwento ni Barbie, nag-meet na sila dati ni Kris nang mag-cameo appearence siya sa My Little Bossings, pero at that time eh hindi pa niya ito ginagaya.
***
Sa 1st anniversary presscon ng SPS ay magkatabi sina Barbie at Andre Paras bilang kasama na rin si Andre sa show.
Okey raw silang dalawa at wala silang problema.
Pina-follow na ba ulit ni Andre si Barbie sa Twitter?
“Oo naman po! Happy naman that we’re all together,” sagot sa amin ni Andre.
“Dito mo talaga (sa open forum) tinanong ‘yan, ha?” natatawang reaksyon ng medyo nagulat na si Barbie.
Nang i-check namin after, in fairness ay kasama na ulit si Barbie sa 39 Twitter accounts na pina-follow ni Andre.
***
Dahil maugong na pinag-uusapan ang napipintong paglipat ni Kris Aquino sa GMA, ang sabi ay malamang mag-guest si Kris sa Sunday PINASaya dahil produced ito ng diumano ay bagong manager ni Kris (na si Mr. Tony Tuviera).
Tinanong namin si Ai Ai delas Alas kung anong gagawin niya ‘pag dumating ang araw na ‘yon na dadalaw sa show ang dati niyang FRIENDSHIP na si Kristeta.
“Ito po ang sagot ko diyan. Kasi po, sa 26 years ko in show business, lahat po ng katanungan niyo at ang buhay ko ay bukas na bukas.
“For the first time in my life, hindi po ako sasagot diyan sa tanong na ‘yan. Dahil marami naman pong katatungan na wala ring sagot.
“Kagaya ng bakit ang hamburger, ang tawag nila, hamburger, wala namang ham? ‘Di ba?
“Bakit ang ABC (Alphabet Song), katono ng Twinkle, Twinkle, Little Star? Wala ring kasagutan diyan.
“Ang yelo, bakit madulas? Hindi natin alam, ‘di ba? Ang giraffe, bakit mahaba ang leeg? Basta, marami.
“Marami pong katanungan na walang sagot. So, isama n’yo na po ‘yan sa katanungan na walang sagot!” tugon ni Ai Ai sa aming tanong.
Tapos ay natatawa siyang humirit ng, “Pa-good vibes! Winner! Very beauty queen ang answer!!”