Barbie, sumakit ang lalamunan

Barbie Forteza

PURING-PURI ng ­netizens ang galing sa panggagaya ng Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Kuhang-kuha kasi ni Barbie ang tawa at ­energy ni Kris tuwing ipapa­labas ang STAR BUZZ segment sa ­Sunday ­PinaSaya.

Anu-ano ba ang challenges na nae-experience ni Barbie kapag ini-impersonate niya si Kris?

“Masakit sa lalamunan at nauubusan na nga po ako ng dilaw na damit,” natatawang pahayag ni Barbie.

***

Nakakatawa si Tates Gana na ibinunyag na todo text pa rin si Kris Aquino kay Mayor Bistek kahit magkakasama sina Mayor at mga anak ­niya sa U.S.

Nagseselos ba siya kay Kris para kay Bistek?

Ang tanong ng madlang pipol, BHUKET?

***

Totoo bang naligwak si Ahron Villena sa pelikulang Extra ­Service at pinalitan siya ni ­Enzo Pineda for the Star ­Cinema film?

Parang ligwak lagi si Ahron ­dahil hindi rin siya natuloy sa JC de Vera-Jessy Mendiola film.

‘Yan ba ang nangyayari kapag niligwak ka ng isang Kakai, Ahron?

Lagot!

***

Baklang bakla na talaga si Prince Stefan.

‘Yan ang role niya sa peli­kulang Working Beks sa Viva with Direk Chris Martinez, at beking ­kaibigan ni Bea Alonzo sa bagong tele­serye nito sa ABS-CBN.

Pinangatawanan na niya ito, at si Prince na ang bagong Roderick ­Paulate?

Galingan muna niyang umarte at hindi lang basta true-to-life.