Time out muna sa comedy si Barbie ­Forteza.

Bida siya sa Magpakailanman ngayong gabi, kasama si Joko Diaz.

Nasa Instagram post ni Barbie na isang napapanahong tema ang kanilang itatampok — ang drugs.

Matagal-tagal din nating hindi nakita si Barbie na umiyak sa TV.

***

GUSTUNG-GUSTO ni Alden ang role niya bilang Mulawin na si Lakan sa Encantadia.

Kahit in between takes, ayaw niyang hubarin ang costume niya.

Kuwento ni Alden, “Nun’g sinuot ko ‘yung costume, parang ayaw ko siya hubarin. Parang eve­ry after take, ‘pag medyo saglit lang naman ‘yung gap bago ‘yung next na eksena, ayaw ko siyang hubarin.

“Masarap sa feeling eh. ‘Uy, parte na ako ng dati ko lang pinapanood sa TV. Grabe!”

***

hidilyn-001Nakakaantig ang lifestory ng Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz (ginampanan ni Jane Oineza) sa MMK ngayong gabi sa ABS-CBN.

Lumaki si Hidilyn sa isang mahirap na pamil­ya sa Zamboanga City.

Kahit na salat sa pera, tanging ang atensyon at pagmamahal ng kanyang pamilya ang kanyang kinailangan upang malagpasan ang mabibigat na hamon ng buhay.

Sa kanyang paglaki, hindi niya naramdaman ito kahit sa mga maliliit na bagay, tulad na lamang ng madalas na pag-utos sa kanya na mag-igib ng tubig kahit pa may mas nakakatanda siyang kapatid para gawin ito.

Nang madiskubre ni Hidilyn mula sa kanyang mga pinsan ang sport na weightlifting noong 2002, sumama siya sa training sessions nila.

Masigasig sa pagsasanay ito.

Mahirap ang pagsisimula niya rito dahil sanga ng puno ang una niyang ginamit sa pagpa-practice.

Hindi nagtagal, nakipaglaban na sa loob at labas ng bansa si ­Hidilyn.

Malaki ang naitulong ng naturang sport sa kanya. Ito ang naging daan upang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Sa kabila ng mga papuri at tagumpay sa iba’t ibang kumpetisyon, hindi pa rin naging tunay na masaya si Hidilyn.

Hindi pa rin kasi niya maramdaman ang pagmamahal at pagpapaha­laga mula sa kanyang mga magulang at ka­patid.

2014 nang harapin niya ang sunud-sunod na problemang sa kanyang napiling sport at pati na rin sa kanyang buhay pag-ibig.

Makuha pa kaya ni Hidilyn ang inaasam niyang pagkilala ng kanyang pamilya?

Paano niya nalampasan ang mga pagsu­bok sa buhay para magpursige at magtagumpay sa Rio Olympics?