RAMPADORA si Barbie Forteza sa Amerika.

Ine-enjoy ni Barbie ang kanyang bakasyon kasama ng kanyang US-based sister.

Sa Chicago nakatira ang ate niyang si Gabrielle at husband nitong si Ben Vierneza.

Umawra-awra si Barbara sa New York City at kung saan-saan sila nag-ikot sa Manhattan ng sis at bayaw niya.

Nag-Times Square sila, Rockefeller Center, Grand Central Terminal, nag-frozen hot chocolate sa Serendipity 3, lumafang sa Laduree sa Soho, Raclette resto at Magnolia Bakery, tapos ay nagtu­rista mode sa Statue of Liberty.

Naka-shorty shorts at shirt lang si Barbie bilang summer ngayon sa NYC at halos kasing-init dito sa atin.

Solo flight ang 20-anyos na Kapuso actress, doon na sila nag-meet ng ate niya sa O’Hare International Airport.

Bale post-birthday gift niya ito sa sarili niya. Ten days ang vacay ni Barang, so tiyak na marami pa siyang aawrahan at kakainan.

Bago lumipad pa-US ay nag-start nang mag-shoot si Barbie ng Regal movie nila ni Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter sa direksyon ni Joel Lamangan.