May mga na-amuse sa pa-witty na post ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa kanyang Instagram account. Nagbigay kasi siya ng love advice.

Sey niya: “Magmahal ka ng tour guide.. para alam mo na agad kung san ka niya ilulugar. Wag ‘yung bakasyonista, iba iba pinupuntahan yan.”

May mga sumang-ayon sa kanyang payo at umani ito ng likes sa mga follower niya at ma­ging sa kapwa celebrities.

Gayunpaman, may mga nakahanap ng butas sa kanyang post at sinabing walang epek sa kanila ang pa-witty effect ng actress dahil sa tunay na buhay daw ay bopol ito pagdating sa kanyang love life.

Magbigay na lang daw ito ng love advice kung authority na siya sa love at umaariba na with success ang kanyang love life at hindi laging lumuluha ang kanyang pusong sawi. (Archie Liao)