Nakatakdang humambalos sina Babylove Barbon at Gen Esla­por para sa Pilipinas sa simula ng FIVB Beach Volleyball World Tour Boracay Open ngayong araw sa White House Beach Station 1, Boracay.

Umaasa ang dalawang­ pambato ng University of Santo Tomas beach vo­l­leyball na makakasama sila bukas sa main draw, magsisimula sa qualification matches sa alas-7:30 ng umaga.

Apat na women’s teams ang panargo ng Pilipinas sa main draw, kung saan mu­ling makikipagtambalan si Cherry Ann Rondina kay Bernadeth Pons sa four-day tournament na inorganisa ng Beach Volleyball Republic.

Ang ibang Filipina pairs rito ay sina Dij Rodriguez/Bea Tan, Jackie Estoquia/DM Demontaño at Fiola Ceballos/Patty Orendain. (Elech Dawa)