Barko galing China pinigil ng Coast Guard

Pinigilan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Panamanian cargo vessel para isai­lalim sa masusing im­bestigasyon matapos magsinungaling ang ka­pitan nito na galing pala sa China ang barko.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armando Balilo, kasalukuyang nakadaong ang MV Harmony 6 sa Poro Point sa La Union habang pan­samantalang nakadeteni base sa utos ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia habang iniimbestigahan ito.

Sa inisyal na ulat, dumating ang barko sa Changzhou, China noong Pebrero 23 at umalis sa kasagsagan ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) outbreak, noong Pebrero 18.

Matapos umalis sa China, sinara umano ng mga crew ng barko ang kanilang Automatic Identification System (AIS) kaya hindi na-monitor ang oras ng pagdating nito sa bansa.

“Noong binuksan ng MV Harmony 6 ‘yung AIS niya pagdating nila sa Pi­lipinas, saka lang ito na-monitor.

Ang AIS ay isang automatic tracking device sa mga barko para matunton ang lokasyon nito gayundin ang petsa at oras ng pagdating sa destinasyon nito. (PNA)