Barko ng China walang quarantine

Kinuwestiyon ni Senador Francis Pangi­linan ang hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipino na manggagaling sa China kumpara sa mga turistang Chinese, makaraang ihayag ng Department of Health (DOH) na sasailalim sa quarantine ang una.

“But what is the rule for the thousands of Chinese arrivals? Bakit mga turistang Chinese galing China sakay ng cruise ship as per Bureau of Quarantine at Coast Guard, walang quarantine? Dahil ba may pampadulas ang mga bisita kaya labas-pasok sila?” tanong ni Pangilinan.

Dagdag pa ng senador, visa upon arrival lang ang sinuspinde para sa mga Chinese habang ang mga tour, delegate at negosyante, tulad ng mga cruise ship sa Subic ay tuloy-tuloy pa umanong nakakapasok sa bansa.

Giit nito, kahit ang gobyerno ng China ay sinuspinde na ang pagbiyahe sa himpapawid at tren sa Wuhan kung saan nagmula ang nCoV.

“Bakit kanya-kanyang diskarte ang mga ahensya na salungat sa isat isa? Who is in charge? Meron ba? DOH at Malacañang, kumilos kayo agad at huwag papasukin ang mga turista galing ng China habang nariyan ang outbreak,” saad pa nito. (Dindo ­Matining)