Gumawa ng kasaysayan ang Dallas at Utah, nasa hindi kagandahang side lang ang Jazz.

Umiskor si Harrison Barnes ng 26 sa loob ng 26 minutes, at niregalo ng Mavericks ang pinakamasagwang talo ng Jazz sapul nang lumipat sa Utah 118-68 Miyerkoles ng gabi.

Habang nasa New Orleans pa, natalo ang Jazz sa Milwaukee 158-102 noong March 14, 1979.

Naghulma ng franchise record ang Dallas sa fewest points allowed sa isang half na 22. Binigyan lang nila ng 13 ang Utah sa third quarter at 9 sa fourth.

Ang dating record ay 23 kontra Sacramento noong Jan. 2012. Ang 50-point margin ng panalo ay second-highest ng Mavericks sa likod ng 53-point win kontra Philadelphia noong Nov. 13, 2014.

Kapos ng isang puntos ang Utah sa kanilang lowest-scoring half, naitala kontra Los Angeles Lakers noong Feb. 4, 2000.

“It was great, and I will just say that I can’t remember a better defensive performance by a Mavericks team in 11 years,” ani Dallas coach Rick Carlisle.

Nagdagdag si JJ Barea ng 14 points, may tig-13 sina rookie Luka Doncic at Dwight Powell, 11 pa kay Dorian Finney-Smith para sa Mavs.