Baron, F2 babawi kontra Marinera

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm — PLDT
vs Foton
4:00pm — F2 Logistics vs Marinerang Pilipina
6:00pm — Generika Ayala vs Petron

Ibabawi ni Mary Joy Baron ang defending champion F2 Logistics laban sa Marinerang Pilipina sa 7th Philippine SuperLiga Invitational Cup 2019 eliminations Lunes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nawalis nitong Sabado ang Cargo Movers ng Petron sa kanilang rematch sa nakaraang taong finals season-ending women’s volleyfest, 22-25, 23-25, 18-25.

‘Di umubra ang tig-9 point nina Baron at Victonara ‘Ara’ Galang, pati ang 15 excellent sets ni Kim Fajardo, at ang 19 excellent digs at 7 receptions ni Dawn Macandili laban sa tiklop nila sa Blaze Spikers.

Pero astig na binuksan ng Lady Skippers ang kampanya sa paglunok sa Generika Ayala nitong Martes 25-19, 25-23, 25-17-25, kaya pihadong magbibigay ito nang magarang laban sa F2 sa alas-4:00 ng hapon.

Paluan din ang Lifesavers–­Petron sa alas-6:00 ng gabi, at ang kapwa babalikwas sa talo sa una nilang mga salang na PLDT Home Fibr at Foton sa alas-2:00 ng hapon. (Janiel Abby Toralba)