Baron, GOD lang ang agimat

Baron Geisler

KAHAPON nang mada­ling-araw ay nag-post si Baron Geisler sa Facebook:

“Being on stage earlier today was probably one of the most exhilarating feelings that I’ve ever felt in my life.

“I’m glad I was able to experience it and it’s been a while since I’ve been this proud of myself for accomplishing something that I truly worked continuously on.

“Thank you so much to everyone at Tanghalang Pilipino for giving me this once in a lifetime opportunity.

“To my co-actors and the people behind Aurelio Sedisyoso for helping me push myself to be able to portray my character Tikbalang to the best of my ability and for believing in me.

“Thank you also to those who were able to watch my debut on stage a while ago. I hope I did not disappoint hehe.

“Do try to catch our shows on Friday, Saturday, and Sunday until September 17 at the CCP Little Theater.

“You can check the details of the schedules and where to buy tickets for the show at the Tanghalang Pilipino Facebook account.

“Again, thank you so much and see you at the theater.”

Nag-“Congrats!” kami sa comment section ng post na ‘yon ni Baron na sinagot naman niya kaagad ng, “Salamat po. Sana makapanood kayo at ma-experience n’yo ang Sedisyosong dula ni Aurelio.”

Sinabihan namin si Baron na masaya kami para sa kanya, pero sana, tuluy-tuloy na talaga ‘yon dahil very good actor pa naman siya.

“Galing ng support system. Iba… iba talaga. Sana mapatawad na ako ng PAMI (Professional Artist Managers, Inc. na nagbabawal sa mga talent ng samahang ito na makipagtrabaho kasama siya dahil sa issue sa kanila ni Ping Medina na inihian niya sa isang eksena ng isang indie movie na ginagawa nila noong nakaraang taon).

“‘Di dahil gusto kong bumalik, pero sana… mawala na galit sa akin. ‘Yun lang. Hehe.

Seryoso at Sedisyoso (kasama sa title ng play na kasali siya) rin naman ako,” ang message sa amin ni Baron.

Sa private message namin kay Baron, sinabi namin sa kanya na naniniwala kami na mabibigyan siya ng another chance.

“I hope so. Pero sa ngayon, Aurelio na muna. One day at a time. God lang talaga agimat!!!” sey niya.

***

Kris Aquino
Kris Aquino

Nakasabay kama­kailan ng ABS-CBN comedian na si Eric Nicolas si Kris Aquino sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan.

Puring-puri ni Eric ang tinaguriang Queen of All Media.

“Kumain sila sa isang resto sa Greenhills at nagkatabi kami ng mesa. Kumustahan lang and she is looking good as always. No’ng magbaba­yad na ako, paid na raw sabi ng waiter. Binayaran na pala ni Kris.

“Nahiya naman ako, sabi ko sa kanya. Sabi naman n’ya, ‘Ano ba, ok lang…’

“Mabait siya talaga kahit off cam, hindi dahil sa nilibre niya kami, pero dahil kilala ko talaga siya sa ABS-CBN pa lang, off cam o on cam, mabait siya sa akin!” sey pa ni Eric.

Pinuri rin ni Eric ang ugali ni Kris na kahit may ka-meeting ay pinagbigyan ang staff ng restaurant na nagpa-picture kasama ito.

Pati ibang customers sa restaurant na ‘yon ay nagpa-picture rin kasama si Kris at OK lang sa kanya.

“Alam mong importante ‘yung meeting ni Kris, pero mapagbigay siya sa mga lumalapit sa kanya para magpa-picture na kasama siya.

“Wala siyang reklamo. Naka-smile talaga siya!” sey pa ni Eric.

Samantala, regular si Eric sa Bet On Your Baby na iniho-host ni Judy Ann Santos at siya raw ang host ng online edition ng Little Big Shots.

Kasali rin siya sa patapos nang A Love To Last.