Baron magpapakasal na

Nagulat at nagtaka kami nu’ng makita namin ang Facebook post ni Baron Geisler na engaged na siya.

Ang pagkakaalam kasi namin ay wala pa siyang girlfriend. Kaya nag-chat kami sa kanya para tanungin kung ano ang pangalan ng girlfriend niya, ilang taon na tumakbo ang kanilang relasyon, at kung kailan nila planong magpakasal.

Sa reply niya sa amin, sabi niya, “8 months pa lang po kami. Her name is Jamie Marie Evangelista. We’re still fi-xing dates (ng kanilang kasal).”
Sabi namin kay Baron, 8 months pa lang sila, pero bakit magpapakasal na sila? Sagot niya, sure na raw kasi siya na si Jamie na ang gusto niyang mapangasawa.

Si Baron ang latest addition sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Tinanong namin siya kung anong role niya rito.

“Ako po rito si Dante. May kakambal po ako rito na pinatay ni Cardo (Coco). Maghihiganti po ako sa kanya, papatayin ko rin po siya.”

Nang tanungin namin kung kamustang katrabaho si Coco, ang sabi niya, “Wala pa po kaming scene together. Matatagalan pa po,” pakli niya. (Rommel Placente)