Pinakamaagang maisasagawa kapag napigilan ang paglaganap nang mapanganib na Coronavirus Disease o COVID-19, bukod sa matiyak na maayos ang kalusugan sa rehiyon, ang 10th ASEAN Para Games 2020 sa darating na Mayo.
Ito ang ipinahayag ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo kahapon matapos ikonsidera ang pagtatapos ng Ramadan sa gabi ng Mayo 23 sa pagtakda ng bagong petsa para sa kakambal ng 30th Southeast Asian Games PH 2019.
“We are all set and are ready to stage the biennial event. We take into consideration first our Muslim brothers that are observing Ramadan, so maybe after two weeks as they end it, then we can now pinpoint and set the dates of the Para Games,” ani Barredo.
Pero hinirit niyang kundi pa rin bumuti ang kalagayan ng virus, malamang na sa Setyembre idaos ang 11-nation, weeklong sportsfest sa mga pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Metro Manila o sa New Clark City Sports Complex ng Bases Conversion Development Authority sa Tarlac.
“We are not discounting the possibility of staging it in September, but we are targeting May,” ani Barredo, na pinanapos ang pahayag na magpapalabas na lang aniya ang Philippine ASEAN Para Games Organizing Committee (Philapgoc) ng formal notice kung itutuloy pa o tuluyang babaklasin ang paligsahan. (Lito Oredo)