Muling tatapak sa parisukat na lona si 2012 Olympian Mark Anthony Barriga para naman subukang sungkitin ang bakanteng International Boxing Federation (IBF) minimumweight title kontra Carlos Licona ng Mexico sa Dis­yembre 1 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Nagkaroon ng pagkaka­taon si Barriga sa nasabing world title, na binakante ni Hiroto Kyoguchi na uma­ngat sa lightflyweight, dahil sa pagkapanalo nito noong Mayo kontra Gabriel Mendoza sa SM North City Skydome at ang laban na ito ay magiging undercard ng bakbakang Deontay Wilder kontra Tyson Fury.

Ang nasabing bakbakan ay una na nitong pinaplano na ganapin dito sa Pilipinas pero ang handler ni Licona na si Mikey Garcia ay iginiit na si Licona ay dapat lumaban sa Amerika.

Ayon kay international matchmaker Sean Gibbons, ang pagbitbit kay Barriga sa L.A bilang undercard ng Wilder-Fury fight ay isang milestone sa Philippine boxing.