Barroca, Jalalon pinaamoy sa Magnolia ang finals

Barroca, Jalalon pinaamoy sa Magnolia ang finals

Bumuslo ng tig-14 points sina Jiovani ‘Jio’ Jalalon at Mark Andy Barroca upang angklahan ang Magnolia Pambansang Manok sa ikatlong sunod na pagtaob sa Rain or Shine, 82-74, at hablutin ang 3-2 lead sa PBA Philippine Cup semifinals series sa Cuneta Astrodome nitong Miyerkoles ng gabi.

May 7 rebounds at 3 assists pa si Barroca samantalang naka-4 boards at 3 feeds si Jalalon para mangailangan na lang ng isang panalo at makatapak sa finals ng best of seven playoffs ang kanilang team.

Game 5 bukas ng alas-7 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pinigilan ng Hotshot ang ilang beses na pagtatangka ng Elasto Painters na maagaw ang bentahe kung saan nakadikit sa isang puntos bago tuluyang naiuwi ang panalo sa pagmamanibela na tapos munang malubog sa 0-2 sa serye.

Maagang binigyan ni Barroca ng regalo ang sarili sa selebrasyon ng kaarawan sa pakikipagsabwatan kay Jalon sa parehas na kinayod sa opensiba.

“Maganda ang nangyari kasi parehas kami na defensive team at low scoring na pabor sa amin. Masaya lang na napunta sa amin ang panalo at sana maideresto na namin,” ani Barroca. (LO)