Muling bubuhayin ni Presidente Rodrigo Duterte ang barter trade sa Sulu Archipelago na kanyang ipinangako sa mga Muslim na matagal ng tradisyon sa naturang rehiyon.

Nais rin umano ni Duterte na lalong palakasin ang ekonomiya at tulungan ang mga Muslim sa Sulu na makabili ng mga basic commodities mula Malaysia at Indonesia.

Ipinadala ni Duterte si Commissioner Nicanor Faeldon ng Bureau of Customs sa Sulu province na kung saan ay nakipagpulong ito kay Governor Toto Tan at representatives mula sa iba’t ibang sektor at stakeholders upang ilatag ang pagbabalik ng barter trade.