Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
1:00 p.m. – Sta. Elena vs. Café Lupe (m)
4:00 p.m. – BaliPure vs. Power Smashers (w)
6:30 p.m. – Perlas vs. Air Force (w)

Unahan sa panga­lawang sunod na panalo ang BaliPure at Power Smashers pagharap nila ngayong araw sa second day ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan.

Parehong naglista ang BaliPure at Power Smashers ng panalo nitong Linggo sa opening day ng ligang suportado ng Asics at Mikasa at inorganisa ng Sports Vision.

Pinulbos ng Water Defenders ang Air Force 21-25, 25-19, 25-19, 25-21 sa likod ni three-time NCAA MVP at former San Sebastian star Grethcel Soltones.

Dadaan sa butas ng karayom ang BaliPure, katapat nila ang Power Smashers na binutata ang defending champion Pocari Sweat 25-9, 25-22, 25-21.

Tumikada si Soltones ng 16, nag-ambag si Risa Sato ng 12.

Sina Arellano standouts Regine Arocha at Jovelyn Prado ang sinandalan ng Power Smashers para bulagain ang Lady Warriors.

Nagtala si Arocha 12, may 11 si Prado kumana ng 10 si UST hitter Mary Dominique Pacres para sa Power Smashers.

Pakay din ng Perlas na sikwatin ang second win laban sa Jet Spikers sa main game.

Hindi pinaporma ng Lady Spikers ang Alyssa Valdez-led Creamline Cool Smashers, 23-25, 25-22, 25-19, 25-21.