BASAGAN NG MGA TAGA-INTRAMUROS

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m.- JRU vs. San Beda (jrs)
12:00 noon – Letran vs. Mapua (jrs)
2:00 p.m.- JRU vs. San Beda (srs)
4:00 p.m.- Letran vs. Mapua (srs)

Sa ikinikilos ng San Beda College Red Lions at karta sa standings ay alam mong gusto nilang walisin ang first round eliminations ng 92nd NCAA men’s basketball tournament.

Sa main game sa The Arena sa San Juan mamaya, basagan ang magkapitbahay sa Intramuros na defending champion Letran at Mapua para pag-agawan ang solo fourth.
Magkasalo sa No. 4 ang Knights at Cardinals sa 5-3 cards.

Nasilat ang Letran sa katabing Lyceum Pirates 72-75 sa huling laban, nakawawa ang Cardinals sa Perpetual Help 51-71 noong Biyernes.

Hindi pa rin makaka­laro sa pangatlong pagkakataon si Mapua leader CJ Isit dahil sa finger injury.
Sa panig ng Knights, kailangan makakuha ng malaking suporta sa opensa si Rey Nambatac sa kanyang mga kakampi.

“We need to play as a team and be consistent from start to finish,” wika ni Letran coach Jeff Napa.

Sakmal ng Red Lions ang malinis na walong panalo, makakaharap mamaya ang JRU Heavy Bombers para kumpletuhin ang nine-game sweep sa first round.

Huling biktima ng Beda ang San Sebastian College Stags 87-77 pero matapos ang laban ay may gustong iwasan si Red Lions coach Jamike Jarin: Ang nilista nilang 32 turnovers.
“It’s one problem we need to address on,” sabi ni Jarin.

Patuloy naman ang nakadidismayang laro ng Heavy Bombers, nalasap ang pang-limang talo sa walong laro nang patahimikin ng Arellano U Chiefs 89-69 sa huling salang.