Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
2 p.m. — Mapua vs Jose Rizal (srs)
4 p.m. — Letran vs LPU (srs)
Sasakyan ng Jose Rizal U ang momentum ng dambuhalang upset sa last year’s runner-up San Beda College sa second round ng 92nd NCAA men’s basketball tournament.
Babanggain ng Heavy Bombers ang naghahangad ng mas matibay na kapit sa No. 4 na Mapua mamaya sa The Arena sa San Juan.
Sa 79-73 panalo ng Kalentong-based squad JRU (4-5) ay nabigo ang nine-game sweep ng Red Lions sa first round.
Pumutok si Paolo Pontejos ng 27 puntos para isalba ang Bombers na naghabol ng 16 points sa third canto.
Ayon kay Jose Rizal mentor Vergel Meneses hindi consistent ang nilalaro ng kanyang koponan.
“We can’t be at the level of the Final Four teams if we do not play consistently,” saad ni Meneses.
Hihingi ng saklolo ang Cardinals (6-3) kay reigning Rookie-MVP Allwell Oraeme para manatili sa top four.
Mataas din ang morale ng Cards dahil galing sa pagpapaluhod sa defending champion Letran Knights, 79-75, sa huling laro sa first round.
“I hope my players stay healthy and keep playing hard,” wika ni Mapua coach Atoy Co.
Kinaldag ng Cardinals ang Heavy Bombers, 74-71, sa una nilang pagkikita.
Sa main game, magtatapat ang Letran at Lyceum.