Bawas-suweldo ngayon ang mga kawani ng Major League Baseball (MLB) sa Estados Unidos matapos magkaroon ng problemang pinansyal nang isuspinde ang mga laro dulot ng COVID-19 pandemic.
Mababawasan ng halos 35% sa kita ang isa sa tinaguriang powerful man sa larangan ng sport na si MLB Commissioner Robert ‘Rob’ Manfred Jr.
Kabilang din sa maapektuhan sa `cost-cutting’ ng US major league ang mga top executive nila upang maka-survive ang liga sa nasabing krisis.
Ang kabuuang kinikita ng MLB taon-taon ay nasa $11M, at dahil mahigit isang buwan ng walang mga laro, makakaltasan ito ng 35% o kabuuang $4M.
Bagama’t `no baseball means no revenue’ ang katwiran ng lig, pabor pa rin ang pagtatapyas ng budget sa mga trabahador ng liga dahil sa tuloy pa rin ang kanilang mga suweldo.
Sa ngayon ay inaaral ng MLB kung maaari silang magsagawa ng laro kahit fan-less sa darating na Mayo. (ADE)