HINDI nakapagpigil si Jed Madela, PATOLA sa bashers at haters niya with a nagmamataray na post.
Dumating na si Madela na sa Point Of No Return. Para sa kanya, sobra na, tama na, papatol na ako point.
Pananakot ni Jed, “Did you really think you’d get a plus point in the karma department? I think not. Just wait.”
Naku, Jed, they live in the now at wala silang pakialam sa Karma Department.
Hindi pa nila alam ang karma concept na ‘yan. Bagong high ang binigay mo sa kanila dahil pinansin mo sila.
Dahil sa pagpatol mo, feeling nila lalo ngayon, they matter. Imagine, ang isang world class performer like you, stoop down to their level at inis na inis sa kabalbalan nila.
Knowing that they are a cruel and mean bunch, ‘yung “wait and see” mo, tiyak na bash kete bash na naman sila sa iyo.
Bagong gas at init ang ibinigay mo sa kanilang mga apoy. Sila ngayon, in unison, “wait and see” na magbabu ka sa showbiz. Pikon ka pala kaya dapat ma-lost in space na ang isang tulad mo.
Hindi sila hihinto sa pagba-bash sa iyo lalo na’t you are wishing them ill.
Entitled ang mga pakiwari nila kaya, tiyak na tiyak, tenfolds ang ill at bad luck ang ninanasa nila at kanilang isinusulat para sa iyo.
Tandaan, Jed… Sa labang ito, sila lagi ang tama. They don’t see themselves as wrong doers.
Sila ang guardians of the twisted and the doomed.
Ang mga tanong na dapat sagutin, ang isang artista ba, kung walang social media accounts, mamatay o tatamlay ang kanyang karera?
Malaking tulong ba ang ang mga ito to reach his/her audiences or followers at talaga bang having a social site with millions of followers and gazillion of haters, does it follow that you get more endorsements, projects or opportunities?
Dapat din ba na ang lahat ng mga panyayari sa buhay of an artista, ibinabahagi at ipinapaalam sa kanilang accounts?
At ang pinakaimportanteng tanong, dapat ba talagang ipagtanggol ang sarili sa social media?
Kung pasong-paso na kayo sa mga itinatalak sa inyo, just deactivate your accounts.
Peace of mind ang hatid nu’n, agad-agad.
Kung hindi n’yo keri na walang social media account, gawing private ang mga ito para hindi lahat eh may access.
When you make your accounts private, ang mga basura comments sa threads ninyo ay mababawasan o kaya totally ay wala na sila.
Pwede ring limited lang ang makabasa, choose the people who can receive your information.
Despite the convenience that social media and the internet have given all of us, minsan, nakaka-miss din ‘yung kinder, gentler at more innocent times.
Kahit kasi anong pangaral mo sa bashers at haters na think before they click, o sabihin sa kanila na they can do something better with their time at ‘wag follow sa mga artista ang gawing libangan, gagawin pa rin nila ang gusto nilang gawin.
Well, they are young, and yes, they are supposed to do stupid things.
Kaya sa mga artista, just grunt and bear it na lang. Ganyan ang buhay-showbiz.
Mr. Alwin, pwede ba i-review mo muna ang mga sinusulat mo, bago mo ito ipost…dahil ang daming mali-maling pagkakasulat. Ang sakit sa mata ang paraan mo ng pagsusulat, minsan may nakasingit na salita na hindi naman kailangan, ang paggamit mo ng english words na hindi naman akma, ang hirap basahin ng article mo, kailangan mo pa ulit-ulitin bago mo maunawaan…dami kasing mali…
Nagmarunong na naman si Alwin Ignacio. Kahit na ano gawin ni Jed whether he comments or not may sasabihin pa rin ang mga bashers. Kung yung mga Hollywood celebrities nga pumapatola rin kung minsan. Hay naku Alwin, itigil mo na ang pagpapaka relevant mo sa writing writing mo kuno. Sabagay kailangan din mo rin mabayaran sa column mo kaya go na rin sa mga article mong kung anik anik…
Tama! Yung mga Hollywood Celebrities are so very against sa cyber bullying kaya sa mga social media accounts nila they always say na di allowed ang any negative comments otherwise ibablock ka nila. After all, tao din naman sila at sadyang maraming trolls lang talga ang maputak… aminin mo, pinoys are the worst fans in the world wala silang sinusino.. respeto naman kasi minsan.. haha