WALEY: Bukas na ang repeat ng 40th Anniversary Concert ng OPM Icon na si Basil Valdez sa The Theater Solaire.

Tulad ng naunang concert, special guest pa rin ang Megastar Sharon Cuneta, ang Ateneo Chamber Singers at ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

At dahil tribute concert ito, maraming Pinoy artists ang nakikiisa sa pagdiriwang na ito at pagpapahalaga sa isang iginagalang na institus­yon ng musika natin.

Kaya nakakalungkot ang nasagap naming balita ukol sa dinanas ni Basil sa isang TV program na nag-confirm sa kanyang guesting sa isang espesyal na okasyon.

Pati costume requirements ay naihanda na rin. Laking gulat na lang ni Basil, isang araw bago ng kanyang guesting ay may tumawag sa kanyang coordinator na nagsabing kina-cancel muna ang kanilang booking dahil nag-iba raw ng concept ng production number.

Laking gulat na lang ni Basil nang mapanood niya ang naturang programa at ibang OPM singer ang kumakanta ng dapat ay kakantahin niya.

Nasaktan si Basil sa pambabastos na iyun sa kanya, pero inintindi na lang niya ang ginawa ng programang iyun sa kanya. Hindi siya nagtatanim ng galit, sana lang matutunan ng mga tagapangasiwa nito ang kahulugan ng RESPETO.

***

HAVEY: Kung namamayani ngayon si Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanyang programang pambata na Bet On Your Baby, masayang balita na marami pang ibang mga programang sisimulan na ang mga bata ang bida.

Nandyan ang local version ng Little Big Star sa ABS-CBN na pangungunahan ng OPM President na si Ogie Alcasid.

Si Ogie ang napupusuang maging local counterpart ni Steve Harvey na nagho-host ng US edition ng nasabing programa.

Si Ryan Agoncillo ay may offer ding children’s show na dapat na may pamagat na Ryan’s Playlist para sa GMA7.

Nagkausap ang mag-asawang Ryan at Juday, at napagkasunduang hindi sila magtatapatan ng programa.

“The networks should not pit us against each other. Better pa na magkasama, pero not to compete with one another, ‘di ba?”

Si Bossing Vic Sotto ay meron ding inaayos na show na talent show ding pambata.

Teka, totoo ba na may plano rin ang TV5 na buhayin ulit ang Talentadong Pinoy Kids?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.