Basilan ambush, 3 sundalo sugatan

ZAMBOANGA CITY — Tatlong ­sundalo ang sugatan matapos tambangan kahapon ng hinihinalang Abu Sayyaf sa bayan ng Maluso sa ­Basilan, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous ­Region in Muslim Mindanao.

Ayon sa pulisya, unang niratrat ng mga ­armado ang dalawang sundalo ng 14th Special ­Forces Company sa Barangay Townsite dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Sinundan ito ng isa pag-atake sa military truck na magdadala sana sa dalawang sugatan sa pagamutan, ngunit nadagdagan pa ito ng isang sundalo na nahagip ng bala.

Hindi naman inilabas ng Western Minda­nao Command ang mga pangalan ng mga biktima, ngunit naganap ang ambush kasabay ng mahigpit na seguridad na pinaiiral ng militar sa kapistahan kahapon sa naturang bayan.

Nasa Basilan Community Hospital sa Isabela City ang mga sugatan.