Umaabot sa P10 milyong halaga ng seed money para sa livelihood projects ng mga coconut farmers sa Lamitan at Isabela sa Basilan na tinamaan ng cocolisap ang inihatid na tulong kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing lalawigan.
Bukod sa mga nabanggit ay namahagi rin ang Pangulo ng 70 piraso ng motorized fiberglass na fishing boat, pitong farm tractors, mga rice, corn at maging punla ng palay at pataba para sa kapakinabangan ng mga coconut farmers.
Ibinalita rin ni PDu30 sa mga taga-Basilan ang gagawing state visit sa China at nangakong magiĀging kabahagi ang mga ito sa anumang tulong na matatanggap ng Pilipinas.