Nagbaon si Andrew Estrella ng 11 points, 5 rebounds, 3 assists at 2 steals upang tabunan ng San Juan Knights Go For Gold ang Basilan Steel Jumbo Plastic, 89-86, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup elims Biyernes ng gabi sa Olivarez Sports Complex, ParaƱaque City.

Ang krusyal na kinayod ni Estrella ang panukli niya sa 26 at tig-12 marker nina John Wilson, Rian Michael Ayonayon at Larry Rodriguez. Ayon sa pagkakasunod, para sa kambal na panaig ng defending champion Knights at umakyat 12-1 record para sa solo lead pa rin sa Group A.

Sayang ang kinayod na 23 ni Gabriel Dagangon, 14 ni Hesed Gabo at 10 ni Dennis Daa sa panig ng Basilan na nalagot ang kambal na ragasa para sumadsad sa 8-5 win-loss record at mapako sa Group B fourth place.

Dumistansya ang Knights ng 15 puntos, pero nakalamang pa ng isa ang Knights, apat sa kabuuan ng laro, bago nakabawi ang San Juan upang bulilyasuhin ang panggugulat ng karibal. (Aival Denzel Episcope)