Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang basketball referee ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, nitong Lunes nang gabi.

Ang biktima ay nakila­lang si Manuel Luis Angara, 40, may asawa, freelance basketball referee, tubong Aurora, Baler, at taga-No. 404 Sta. Catalina St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl. Julius Vinasoy ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang pamamaril ay naganap alas-11:20 nang gabi sa harap ng Jollibee sa Villongco St., Brgy. Commonwealth, QC.

Sa pahayag ng testigong si Ben, jeepney dri­ver, nakaparada umano siya sa nasabing lugar at nag-aabang ng pasahero nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nang tingnan ang pinagmulan ng ingay ay nakita niya ang lalaking duguang nakabulagta.

Agad namang inireport sa awtoridad ng concern citizen ang krimen. (Dolly Cabreza)