If you have it, flaunt it!

Tila iyan ang motto ng basketbolera at mode­long si Nicole delos Reyes, na hindi nahihiyang ipaki­ta ang kanyang matambok na puwet sa Instagram.

Marami ang nahuhumaling kay Nicole, na itinuturing na ‘Queen of the Court’ dahil sa galing din nito sa basketball.

Sa ngayon ay may 386,000 follower na si Nicole, at dadami pa dahil sa mga sizzling pic nito sa Instagram.

Dahil sa galing sa basketball, naimbitahan si Nicole na maglaro sa Women’s National Basketball League (WNBL) sa koponang Lady Snipers. (Raymark Patriarca)