Basta Pilipino Ginto! — Go

Basta Pilipino Ginto! — Go

Planong sikwatin ng Go-For-Gold ang markang pinakamara-ming nagdi-dribble ng sabay sabay sa Guinness World record sa darating na Linggo, Hulyo 21.

Ayon nitong Huwebes kay Go-For-Gold godfather Jeremy Randell Go, nag-imbita siya ng 10, 000 dribblers sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City ng 4 p.m. upang ta-lunin ang record holder na UNRWA (United Nations and Works Agency) na may bilang na 7,556 na nagdribol sa Palestine nitong July 2010.

“Being a Southeast Games year, we want to be able to encou-rage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’ hirit ni Go.

Maaring mag-register ang mga gusto sumali sa www.goforgoldworldrecordattempt.com o pumunta sa mismong event.

“Also in line with our motto ‘Basta Pilipino Ginto,’ where we believe that the Filipino deserves the best, we want to have an international record that we can be proud of,” dagdag pa ng vice president ng Marketing ng Powerball Marketing & Logistic Corporation na nasa likod ng GFG.

Sumuporta rin ang FIBA (International Basketball Federation) sa pamamagitan ng partnership sa Go-For-Gold event upang mahikayat rin ang mga basketbolistang Pilipino na suportahan ang pagkuha ng titulo ng bansa at para rin suportahan ang parating na 18th Fiba World Cup 2019 sa China sa Aug. 31- Sept. 15. (Aivan U. Episcope)