ITSURANG may mala­king children’s party sa Eat Bulaga nu’ng Sabado na idineklara ng mga Dabarkads na Araw ng mga Bata.

Sa Jackpot En Poy segment ay ang cute ng labanan ng mga celebrity kids.

In fairness ay dinaig ng cute na anak ni Angelu de Leon na si Rafa ang anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Lucho, anak ni Tanya Garcia na si Matilda at anak ni Sunshine Dizon na si Doreen.

Bilang mga tsikiting ang naglaban-laban ay si Baste ang nag-referee at nawalan ng trabaho si Gov Lloyd.

Assistants ni Concert Prince sina Alden Richards at Maine Mendoza, na matchy-matchy pa ang suot nilang tatlo.

Si Baste ang MVP ng Jackpot En Poy game, na last time ay pinataob niya si Manny Pacquiao nu’ng mga Senador ang naglaro sa Broadway.

Ibang level din ang game na ‘to ng Eat Bulaga, na mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata ay puwedeng maglaro kaya hindi mauubusan ng contestants.

Dahil sa pambatang laro na Jackpot En Poy ay lumaki ang role ni Baste sa EB at siya ang pala­ging inaabangan ng lahat sa portion na ‘yon.

Kinakarir na rin ni bagets ang pagiging Concert Prince, na may pabanda pa nu’ng Sabado kasama ang winners ng Music Hero.