Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya ng mga senatorial candidate ng administrasyon sa Biñan City, Laguna Sabado ng gabi na bakla ang 40% ng mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ikinuwento ng Pangulo sa mga taong dumalo sa campaign rally ng mga sinusuportahan niyang senatorial candidate ang insidente ng pangho-hostage ng NPA.
Pinangunahan umano ng kanyang anak na si Sebastian ‘Baste’ Duterte at ng senatorial bet na si Bong Go ang pag-turnover ng NPA sa mga bihag na sundalo.
“Alam ba ninyo 40 percent ng NPA ngayon na sundalo, bakla?” anang Pangulo dahilan para magtawanan ang mga nakikinig sa kanya.
Ayon sa Pangulo, inabuso ng mga baklang miyembro ng NPA si Baste.
“Kaya itong – ang anak ko, nagtaka ako bakit sabi nila si Baste talaga ibigay nila ‘yung sundalo na bihag nila.
Kaya pagdating doon sa itaas, si Baste pala ang gusto ng mga g***,” sabi ni Pangulong Duterte.
“Sabi ko, ‘Bakit? Bakit ‘yung katawan mo puro ano?’ Eh sabi, ‘Pagdating sa bukid, dinala ako ng apat na NPA doon sa niyogan. Gihalik-halikan ako tapos ‘yung lahat…’ ‘Ah, inano ka pala. In-abuse ka.’ Sabi niya, ‘Oo, lahat nakahalik.’ Okay ‘yan, makatikim ka rin ng halik ng bakla mas masarap. Eh malandi ang p*****,” kuwento ng Pangulo.