Bastos na Chinese sinupalpal

Nag-viral sa social media­ ang video ng isang Chinese­ national na nanakit diumano­ sa isang delivery staff ng isang online shopping company, dahil wala itong maipakitang valid identification card (ID), habang hina­ngaan naman ang katapangan ng isang miyembro ng LGBT community na nagtanggol sa kapwa Pinoy.

Sa viral video ni Trix Espulgar, @trixespulgar, na kuha sa labas ng Green Mall sa Taft Avenue, Maynila kamakalawa ng hapon, kitang hindi nakapagpigil ang Pilipino na nakilala sa username nitong @eamoto2, at pinagtanggol ang delivery boy sa pananakit umano ng Chinese na hinahanapan lang ng dokumento.

“[T]his isnt your country we have laws” this chinese national…started hurting the delivery guy…cos she didnt have a valid ID and kuya needed one,” sabi ni Trix.

Sabi naman ni Ea, “Hindi ko intension makipag-away lalo na sa mga dayuhan.. Hindi lang maganda ugali ng instik na nkita ko kanina.. Habang papalabas kame Ng green mall nakita ko SI kuya na na nag dedeliver na hinila sinapql at sinuntok Ng isang dayuhan.”

Aniya pa, expired na umano ang visa ng Chinese kaya hindi maipakita ang kanyang passport.

Nainis naman ang mga netizen na nakapanood sa video.

Sagot ni Toni Alvarez, @tonialvarez8, “Hay naku ganyan sila, sa condo kapag hinihingan ng guard ng passport or visa nagagalit. Inuunahan nila ng sigaw. Eskandalosa. Majority of them are illegal.”

Hinikayat naman ni Me, @MeGanoin, na magsalita ang iba pang nakakita ng mga insidenteng tulad nito. “Law offender pala kaya dinaan sa sindak si kuya. Buti di ka nagpasindak. Dapat kang tularan. If you see something, say something.”