Bastos na disenyo ng damit

Nakakakulo ng dugo ang mga kumalat na la­rawan ng isang ­clothing line sa social media kung saan lantarang bastos at kamanyakan ang mga nakasulat at nakalarawan sa mga inilabas na t-shirt.

Halos iisa ang na­ging reaksiyon ng mga ­netizen pati na ang mga magulang na nakakita sa bastos na produkto ng clothing line na anila ay imoral at hindi magandang impluwensiya sa mga kabataan.

Tila ba tinuturuan ang mga kabataan na gawin ang nakitang disenyo sa t-shirt, at ang ibang disenyo ay tila binibigyan ng ideya ang kabataan kung ano ang dapat makita sa isang babae.

Lantaran itong ­pam­babastos sa kaba­baihan kaya ­naman umani ng ­katakot-takot na ­batikos ang clothing line.

Bagama’t nagpaliwanag na ang mga nasa likod ng clothing line na ang layunin nila ay para himukin kuno ang kabataan na ­kumain ng maayos ­dahil ­karamihan ­ngayon ay nakatutok na sa kanilang ­gadget, hindi nila umano ­intensiyon na bastusin ang kababaihan.

Mawalang-galang na po kung sino man kayong pasimuno ng bastos na t-shirt, ang kinakain ba ngayon ng kabataan ay “pepe” gaya ng nakatatak at disenyo sa mga ­ibinebenta ninyong produkto?

Ang talino niyo ­naman kung magkagayon! Wow ang taas ng standard ng marke­ting idea ninyo dahil nagpapalusot pa ka­yong may kinalaman sa paggamit ng gadget ng kabataan ang inyong produkto.

Mga ate, mga kuya kung sino man kayo, dapat siguro ay sumailalim muna kayo ng gender sensitivity training para maliwanagan ang isipan ninyo sa mga isyung may kinalaman sa kasarian.

Hindi porke’t nasa modernong panahon na tayo ay iisipin ninyong “cool” o okay lang ang inyong ginagawa.

Hindi masamang mag-negosyo pero dapat gamitin din ang sentido kumon dahil may mga sektor na hindi kasing-liberal ng utak ng iba.

Malisyoso ang di­sensyo ng mga t-shirt at hindi angkop sa pani­ngin, at lalong malayo sa sinasabing layunin ng kompanya na pang­hikayat sa kabataan na kumain ng tama at tamang oras.

Sige nga, kung sino ka man na may-ari ng clothing line na ‘yan, pangunahan mo ang pagkain ng “pepe”, piktyuran mo at gawing disenyo. Tingnan natin kung tatangkilikin ‘yan ng publiko.