Simula sa unang linggo ng Pebrero ay bawal nang mag-iwan ng paslit sa loob ng mga pribadong sasakyan.
Ito’y matapos mabuo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act na isinabatas noong Pebrero 2019.
Inaprubahan na ang IRR ng naturang batas at isinapubliko may dalawang linggo na ang nakalipas.
Bukod sa pagbabawal na mag-iwan ng bata sa loob ng mga pribadong sasakyan, bawal na rin paupuin sa unahan (front seat) ng sasakyan ang mga batang 12 taong gulang pababa. (Dolly Cabreza)