Bata iniluwa ng ilog Pasig

Nakadapa sa pumpon ng water lily nang iluwa ang bangkay ng isang totoy na hinihinalang nalunod kahapon ng madaling-araw sa Pasig river sakop ng Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay PCMS. Richard Escarlan, ng Manila Police District-homicide section, alas-singko ng umaga nang mamataan ni Mark Anthony Perejas, 29, boat operator at taga-Blk.17 Old Site, Baseco Compound ang bata na nakadapa at nakapatong sa water lily.

Inilarawan itong nasa edad 7-9, walang saplot, may taas 4’0. Wala itong sugat sa katawan kaya pinaniniwalaang naligo at nalunod ito.

Inaalam pa ngayon ang pagkakilanlan ng biktima na dinala sa Cruz Funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)