ZAMBOANGA CITY — Nadakip kahapon ng militar at pulisya ang isa sa mga most-wanted sa Zamboanga City at sabit diumano sa grenade attack sa bahay ng isang barangay chairman noong 2013.

Naaresto ng mga awtoridad si Alex Majid sa hideout nito sa Brgy. Makiang, Sirawai sa Zamboanga del Norte. May kinalaman umano ito sa pagpapa­sabog ng granada sa bahay ni Diosterides Librero sa Barangay Ayala.

Dalawang katao ang patay doon at walo ang su­gatan, kabilang si Librero na naputulan ng binti.

Sinabi pa ng pulisya na si Majid ay pinoprotekta­han ng isang pulitiko na isinabit ni Presidente Rodrigo Duterte sa iligal na kalakalan ng droga.