Binuweltahan ng National Union of ­Journalists of the Philippines ang bata ni Philippine Southeast Asian Organizing Committee (Phisgoc) Chairman, House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagbatikos sa media na kumo-cover ng 30th SEA Games 2019 sa bansa.

Sinisisi ng teacher ni Cayetano at ­Phisgoc COO Ramon ‘Tatz’ ­Suzara Miyerkoles nang tanghali ang mga mamamahayag sa mga negatibong ulat sa mga kapalpakan ng Phisgoc sa 30th SEAG sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Miyerkoles nang tanghali sa isang presscon, sinisi ni Phisgoc COO Ramon Giniit pa ni Suzara na dapat maglabas ang media ng positibong balita kaugnay sa 11-nation, 12-day biennial meet na bubukas na bukas sa Philippine Arena sa Sta. Maria-Bocaue, Bulacan.

Pero pinunto ng NUJP na ‘di katanggap-tanggap ang mga pahayag ng opisyal at ‘di ang media ang may sala sa mga salto ng Phisgoc sa nalalapit na paligsahan

“It is bad enough when trolls are let loose upon media reporting on the disastrous preparations of the Phisgoc for the 30th SEA Games. It becomes ridiculously unacceptable when the officials responsible for the disaster resort to bashing media as well, as if the reports on their shortcomings were to blame for the disaster,” ayon sa NUJP. (Janiel Abby Toralba)