(Best-of-three quarterfinal series)
Game 1: Abril 1, 2018/ FilOil Flying V Centre, San Juan City
8:00 pm Alab Pilipinas vs Saigon Heat
Game 2: Abril 7, 2018/CIS Arena, Ho Chi Minh City
7:00 pm Saigon Heat vs Alab Pilipinas
Game 3 (if necessary): Abril 11, 2018/ Sta. Rosa Multi-Purpose Complex
8:00 pm Alab Pilipinas vs Saigon Heat
Kakapit sa homecrowd ang Alab Pilipinas at pipiliting sikwatin ang panalo kontra Saigon Heat sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfinal series sa 2018 Asean Basketball League (ABL) ngayong alas-otso ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Nagkasya lamang ang Alab sa ikatlong puwesto na may insentibo na homecourt sa quarterfinals matapos manatili ang Chong Son Kung Fu at defending champ Hong Kong Eastern sa una at ikalawang puwesto sa pagtatapos ng eliminasyon ng torneo sa Southern Stadium sa Hong Kong.
Binigo ng Chong Son Kung Fu ang Hong Kong Eastern, 88-77, noong Marso 28, para mapanatili ang top spot kasalo ang huli bilang No. 2 para okupahan ang dalawang puwesto sa best-of-five na semifinals.
Ayon kay Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag, nagamit nila ang mahabang pahinga para manumbalik ang lakas ng mga injured niyang bataan na sina Josh UrbizĀtondo, Rico Maierhoffer at import Relando Balkman.
Muli ring aasa si Alapag kay Most Valuable Player Bobby Ray Parks Jr., Robby Celiz, Nico Javelona, Lawrence Domingo, John Raymundo, Donaldo Hontiveros at Chris Sumalinog pati na sa dating import ng Barangay Ginebra na si Justin Brownlee. (Lito Oredo)