Isang batang lalaki ang bihag ng grupong Abu Sayyaf ang pinalaya matapos makapag-ipon ng ransom ang kanyang mga magulang na kasamang dinukot at unang nang pinalaya ng bandidong grupo sa Sulu.

Sa ulat na beneberipika pa umano ng pamunuan ang PNP at military, pinalaya ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu ang walong taong gulang na si Ricson Romoc matapos na makapagbayad ng P3 mil­yon ang kanyang mga magulang.

Ang bata ay pinalaya dakong alas-sais kagabi sa may Brgy. Anuling sa munisipyo ng Patikul bago dinala sa Jolo airport sakay ng pick-up truck kung saan naghihintay si Sulu Gov. Abdul Sakur Tan at saka sila sumakay sa private aircraft ng gobernador.