Batang nilalagnat ginahasa

NI:ORLAN LINDE

Walang pusong inabuso ng isang obrero ang isang grade 6 pupil na babae kahit na inaapoy ng lagnat ang huli sa Navotas City kamakalawa nang gabi.

Ngunit huli na ang pagsisisi ng suspek na si Alexander Jordan, 49, cutter, naninirahan sa No. 119 Dona Aurora St., San Vicente, Tarlac City nang kasuhan ito ng rape.

Ang ina ng 12-anyos na biktima s ang kumatawan para ihabla ang katrabahong suspek.

Kuwento ng ginang, may lagnat ang kanyang anak kaya isinama sa pinapasukan nitong trabaho sa Navotas para mapainom niya ng gamot sa tamang oras.

Dinala niya sa barracks ang anak kung saan doon naka-assign ang suspek na si Jordan.

Tulog na tulog umano ang bata dahil nga sa nilalagnat ito, nang mangyari ang pamgnmomolestiya.

Nabatid na ipinasok ng suspek ang kanyang daliri sa kaselanan ng bata.
Kaagad namang nagsumbong ang biktima sa ina kaya ipinahuli sa mga pulis si Jordan.