Sa ikatlong pagtatangka ay tuluyan nang nasawi ang isang binata na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Barangay 5 Nasugbu, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing si Rolando Samiado y Ayo, 29-anyos.

Nadiskubre ng kanyang mga kaanak ang na­kabigting si Samiado sa loob ng kanilang tahanan gamit ang isang kable ng kuryente bandang alas-3:30 ng hapon.

Ayon sa mga kaanak, bago ito nagpakamatay ay nakakaranas umano ng depresyon ang biktima dagil sa laging nabibigo sa pag-ibig.

Pangatlong beses na umano nitong tinangkang magpakamatay at sa pagkakataong ito ay natulu­yan na.