Kinayod ni Dhon Reverente ang Pasay Voya­gers upang gitlain ang Batangas City Athletics,­ 72-61, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup Lunes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Rumebote ng double-double si Reverente — 26 points at 15 rebounds upang makaahon sa 13-points down at makalamang din ng ganoon ang Voyagers at makaahon sa talo kontra Caloocan noong July 23 sa pag-angat sa solo ninth sa Group A North Division sa 5-5 win-loss record.

Nag-ambag pa para sa Pasay sina Raymund Ilagan at Jaypee Belencion ng 15 at 12 puntos sa laro para lagutin ang kambal na ragasa ng Batangas City na sumadlak sa fourth spot sa 3-2.

Kapos para sa Athletics­ ang 17 markers ni Jeff Viernes at 10 ni Jason Melano.

Ang iskor:

Pasay 72 – Reverente 26, Ilagan 15, Belencion 12, Inigo 6, Moradas 4, Chan 3, Jamon 2, Bustos 2, Pasia 2, Opiso 0, Vitug 0, Lomtong 0, Telpo 0, De Villa 0, Dela Cruz 0.

Batangas 61- Viernes 17, Meleno 10, Eguilos 7, Tolentino 7, Santos 6, Alvarez 5, Rogado 5, Bragais 2, Olayon 2, Acuna 0, Grimaldo 0, Mescallado 0, Mendoza 0, Perez 0, Ramsey 0. (Aivan ­Denzel Episcope)