Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 17 bagong batas na nagtatakda ng pista opisyal sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Ang mga bagong batas ay nilagdaan ng Pangulo noong Oktubre 30 at Nobyembre 8.
Kabilang dito ang batas na nagdedeklara sa Marso 24 bawat taon bilang special non-working holiday sa Ligao City, kaugnay sa selebrasyon ng kanilang founding anniversary.
Idineklara ang Disyembre 8 bawat taon bilang pista opisyal sa Agoo, La Union, Hunyo 16 sa bawat taon bilang non-special non-working holiday sa Villanueva, Misamis Oriental at Setyembre 17 kada taon bilang pista opistal ng Los Baños, Laguna lahat bilang selebrasyon ng kanilang founding anniversary.
Ang iba pang mga special non-working holiday na nilagdaan ni Pangulong Duterte ay Hulyo 4 kada taon bilang selebrasyon sa anibersaryo ng Lanao del Norte, Mayo 22 bilang Guimaras anniversary, Abril 3 Albay founding anniversary, Setyembre 2, bilang paggunita sa pagsuko ni General Tomoyuki Yamashita, ang Commander ng Japanese Imperial Army sa Kiangan, Ifugao.
Nobyembre 2 kada taon ay idineklarang special-non working holiday sa Misamis Occidental bilang selebrasyon ng kanilang founding anniversary, Setyembre 21 bilang ‘Cebu Press Freedom Day’ sa buong lalawigan ng Cebu, Nobyembre 15 kada taon bilang special non-working holiday sa Occidental Mindoro kaugnay sa kanilang founding anniversary.
Idineklara rin ang Setyembre 7 na pista opisyal bilang Cavite City day, Hunyo 17 bawat taon bilang founding anniversary ng Agusan del Sur, Nobyembre 22 bilang Sultan Kudarat founding anniversary, Hulyo 4 bilang charter day anniversary ng Cadiz City, Negros Occidental, Hunyo 27 bilang charter day anniversary ng El Salvador City, Misamis Oriental at Disyembre 1 kada taon bilang ‘Kabakahan Festival’ at founding anniversary ng Padre Garcia sa lalawigan ng Batangas.