INTERESADO kaming mapanood ang isa sa finalists sa main competition ng 12th Cinemalaya filmfest para malaman kung may karapatang mainsekyur ang isang batikang aktres sa co-star niyang young actress.
May tsika kasing pinadagdagan ng batikang aktres ang mga eksena niya sa pelikula dahil naramdaman niya na mas mahaba ang role ng co-star niyang batang aktres.
In fairness ay mahusay umarte ang young actress, mapabida man ito o suporta sa pelikula.
Ang ganda ng role ni young actress sa filmfest entry nila ni senior actress kaya may chance na matalbugan niya ito.
CCP ang main venue ng Cinemalaya 2016 (August 5-14), pero mapapanood din ito sa Ayala Cinemas na Greenbelt 3 & Glorietta sa Makati City, Trinoma & UP Town Center sa Quezon City at sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.
For the first time this year ay magkakaroon din ng Cinemalaya screenings sa Ayala Center Cebu (August 9-14).