Kuwestyunable! Ito ang katagang namutawi sa bibig ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa kung ang pag-uusapan ay ang loyalty ni Supt. Ma. Cristina Nobleza na patuloy na naggigiit na siya ay isang deep penetrating agent (DPA) ng pamahalaan.
Kamakakawa ay personal na kinausap ni Dela Rosa si Nobleza habang nakapiit sa custodial center sa Camp Crame at sinabi umano ng babaeng opisyal na siya ay isang DPA.
Ayon pa umano kay Nobleza, binigyan siya ng misyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at tinutulungan niya ang Abu Sayyaf bomb expert na si Reneer Lou Dongon para makuha ang tiwala ng mga Abu Sayyaf leaders.
Dito naman diretsahang sinabi ni Dela Rosa na kaduda-duda na kung nasaan ang loyalty ng police colonel kung nananatili pa ba sa PNP o sa bandidong Abu Sayyaf na.
“Ang ginawa ni Nobleza ay hindi na sa sanction ng PNP kundi sariling desisyon na niya,” wika ni Dela Rosa.
Una nang sinabi ng PNP chief na batay sa kanyang pakikipag-usap kay Nobleza, ang ginawa umano nitong pagtungo sa Bohol kasama si Dongon ay para pabanguhin muli ang pangalan nito sa teroristang grupo.
Anong DPA? Deep Penetrating Ass ?