Para kay dating Philippine National Police (PNP) chief at senatorial candidate Ronald ‘Bato’ dela Rosa, si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang pinakamagaling na presidente sa buong mundo.

“Sa akin perpekto siya. He’s the best leader in the world,” saad ni Bato.
Nilabanan aniya ng Pangulo ang mga sindikato ng droga sa bansa kaya’t nalagay sa panganib ang buhay nito.

Sinabi pa ni Dela Rosa na malaki din ang utang na loob niya kay Pangulong Duterte dahil hindi siya makikilala sa bansa kung hindi dahil dito.

Ipinagtanggol din ni Dela Rosa ang pagiging komikero niya sa kampanya.
Aniya, mas mahirap naman magsilbi sa gobyerno kung palaging nakasimangot ang mga opisyal ng gobyerno.

“Mahirap maging masyadong seryoso. Maaga tayong mamamatay niyan,” wika ng kandidato sa pagka-senador.