Imbes na kampihan ang posisyon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, nanindigan si administration Sen. Alan Peter Caye­tano na kailangang may managot na police officer sa nadiskubreng “secret jail” sa Manila Police District (MPD) Station 1 ng Tondo, Maynila.

“Kasuhan ang dapat kasuhan,” diin ni Cayetano.

Matatandaan na kinampihan ni Dela Rosa ang mga pulis na may gawa ng secret jail kasabay ng pagkuwestiyon sa timing ng inspeksyon ng Commission on Human Rights (CHR) dahil itinaon ito sa summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon pa sa senador, hindi dapat kinukunsinte ang pang-aabuso ng mga pulis dahil nakakasira ito sa PNP bilang isang institusyon.

“We should not tolerate any abuse,” giit ni Cayetano.

Naniniwala naman si Cayetano na “isolated case” lamang ito sa pagsasabing hindi polisiya ng administrasyong Duterte ang paglabag sa karapatang pantao kahit na sa pinaghihinalaang sangkot sa droga.

“One violation does not mean it is happening everywhere and that it is government policy. Hindi ito ito-tolerate, iniim­bestigahan ito, and they will be compliant with the world standards of human rights,” pagtiyak pa ng senador.

Ang mga preso ng MPD Station 1 ay hinuli dahil umano sa pagkakasangkot sa drug trade subalit imbes na kasuhan at pansamantala itong ikinulong sa secret jail habang nakikipagnegosasyon sa paglaya kapalit ng malaking halaga.

Subalit nang bisitahin sila ni Dela Rosa matapos ang inspeksyon ng CHR, itinanggi na ng mga preso na sila’y kinokotongan ng mga pulis ng MPD.

39 Responses

  1. Basura…mas exciting pa ang mabasang may arrest warrant na itong si Cayetanong aso…magpapa-party ako….pag nakita kong nasa loob na yan ng selda…

  2. sige! lang Allan, it’s your time para bumaligtad uli…mag kunwari na may malasakit sa mamamayan at kundinahin kuno ang mga kabaro mo…lapit na election, kailangan mo uli onsehin ang mga botante…hahaaahh..

  3. Ang dami mong account. May Mike Silvia, Mike Lunas, Maryann Morado, Drew Garcia, Jerry Kabaw etc… mukhang kinareer mo na talaga ang pagiging troll. Sabagay sayang din ang bayad.

  4. Drama ng mga amuyong. 8000 n nmamatay.di isolated at walang solution na ipinatutupad. Kundi patuloy prin ang pagpatay,asan n ang. To serve and protect,at walang mamamayan na nag uutos kay sayad n patayin ang user at drugpusher. Ilang buwan p lang. kpag pwed kotongan.ikukulong.iba ang salita ni cayetano.Sa Gngawa nila sa taongbayan

  5. nkakaproud tlaga itong si sen.cayetano dahil hindi niya iniisip ang kanyang sarili agad agad kapakanan ng tao ang kanyng iniisp at ayaw niya na ipagpatuloy ang mga masasamang gawa! kaya dapt maparusahn na tlaga ang master mind sa gumawa nito!

  6. Di yan titigilan ni senator cayetano hanggang sa may managot na dyan sa secret jail na yan. bawal kasi yan. Labag na yan sa karapatang pantao.

  7. ksuhan na tlaga ang may sala jan para naman hindi na muli masundan ganyan tlaga si sen.cayetano laging tinatama ang mga baluktot na gawa ng iba!

  8. tama naman tlaga ang sinsabi ni cayetano kailangan may managot dahil hindi ito biro na gingawa ng iba na mga karahasan! kaya kahit sino pa ito kailangan na parusahan!

  9. Hindi pwede yang Secret Jail na yan. Talagang magagalit si Sen Cayetano nyan kasi labag yan sa batas natin. Mananagot talaga ang dapat managot dyan. Di yan titigilan ni Sen Cayetano.

  10. Bilib talaga ako sa tapang ni Sen Cayetano. Well, tama naman kasi ang sinasabi nya eh. Dapat kasuhan kung sino ang salarin sa sinasabing Secret Jail na yan.

  11. Tama si Sen Cayetano. Dapat talaga ay mayroong managot dyan. Hindi yan itotolerate ni Sen Cayetano sapagkat ayaw ni Sen Alan ang may mga inaagrabyadong tao o kahit preso man yan. Malalagot sa batas ang salarin dyan.

  12. TAMA KA ALLAN CAYTANO NA KAILANGAN IMBISTIGAHAN YAN..AT DAPAT IKAW BATO DELA ROSA SIR..HINDI MO SANA KINOSINTE AT KAKAMPIHAN ANG MGA MYEMBRO MO..DAHIL SA TOTOO LANG HINDI IKAW ANG DAPAT SISIHIN KUNG HINDI Yung SINO MAN ANG PINUNO DATI NG PNP SA NAKARAANG ADMINISTRASYON. KASI NOON PA ITO GINAGAWA NG MGA POLICE O LAHAT NG POLICE STATION. NGAYON LANG NAHULI SILA NA MAY SECRET JAIL SILA. KAYA MR BATO DELA ROSA SUYURIN NYO NA LAHAT NG POLICE STATION NGAYON. IKAW LANG ANG NAPAGBINTANGAN LAHAT NGAYON SA KASO NG MGA NAKATALAGA NA PULIS SA MGA POLICE STATION.

  13. sus!!!!! wag ka na ng magPOGI..CAYETANO,,buking ka na???? doble kara ka!!!!kuware nilaglag si BATO,,,UTUT MO!!!! TRADOR!!! bakit waEPEK na yung pangUUTO nyo,,at wala ng naniniwala,,,BAYUT KA!!! sunod na state visit nyo sa NETHERLANDS na,,,tingnan namin kung kaya nyo utuin yun mga JUDGE sa ICC,,,wait wait lang lalabas na yung INTERNATIONAL ARREST WARRANT nyo,,baka maIHI ka sa PANTY,,,