Hinamon ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa ang sino mang nais manakit kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na dumaan muna sa kanya nang matikman umano ang ‘brotherhood’ ng mga PMAyer.

Nag-post si Dela Rosa sa kaniyang Facebook ng larawan nila ni Bautista at nakasaad ang caption na: “Kung sino man ang gustong mambastos at manakit sa napakabait at napakamaginoong upperclassman ko na ito dumaan muna kayo sa akin para matikman ninyo ang brotherhood ng PMAyers.”

Hindi hindi direktang pinangalanan ni Dela Rosa sa kanyang post na si Erwin Tulfo ang tinutukoy nito ngunit matatandaang kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal ang masasakit na salitang binitawan ng broadcaster laban kay Bautista dahil sa hindi umano pagpayag na ma-interview ni Tulfo.

Humingi naman ng tawad si Tulfo sa kanyang mga binitang masasakit na salita pero hindi nito binawi ang pamumuna kay Bautista. (Jobelle Macayan)