Bato nangakong ‘di kapit-tuko sa puwesto

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na hindi ito magiging ‘kapit-tuko’ sa puwesto sakaling mabig­o itong makamit ang target date na masugpo ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Dela Rosa na kapag sumapit na ang anim­ na buwan ay hindi pumasa sa pamantayan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ginawa at p­erformance ng PNP sa kampanya ng iligal na droga­ ay siya na mismo ang magsasabi sa Pangulo na a­lisin siya sa pagiging chief ng PNP.

Pero idinagdag nito na sa ngayon na dalawang buwan pa lamang siya sa puwesto ay hindi pa siya maaa­ring magsabing pagod na at ayaw na dahil baka ito ang maging dahilan para bumagsak ang moral ng mga tauhan ngayong magsisimula pa lamang umarangkada ang momentum nila sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.

Nilinaw pa ni Dela Rosa na kung nasabi man niya­ sa pagdinig sa Senado na napapagod na sila ay resulta­ lamang ng frustrations sa pagkadismaya dahil sa kabila ng pagsisikap nilang matuldukan ang problema sa illegal drugs sa bansa ay nais pang pala­basin ng ilang sektor na kontrabida ang mga pulis.