Bato supalpal kay Ping sa pagbalik ng military rank sa PNP

bato-dela-ping-lacson

Sinupalpal ni Senador Panfilo Lacson ang panukala sa Kamara na ipareho na ang ranggo ng mga pulis sa military.

Ang House Bill No. 5236 na inaprobahan sa ikalawang pagbasa noong Marso 25, ay sinuportahan mismo ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagsasabing matagal na nila itong isinusulong.

Ngunit ayon kay Lacson, sa ilalim ng Konstitusyon, ang PNP ay civilian in character.

Ito anya ang rason kaya’t iba ang tawag sa mga ranggo nito kumpara sa mga sundalo.

“First, the constitution provides for a PNP that is civilian in character. That is the reason why the ranks of its personnel are made easily distingui­shable from military ranks,” saad ni Lacson.

Nakikita rin ni Lacson na wrong timing ang panukala dahil sa ngayon ay nagiging pamilyar na ang publiko sa police ranks.

At dahil bukas na ang isipan dito ng publiko ay hindi na anya maituturing na matalinong hakbang ang pagbabalik sa military ranks sa PNP.